🎵

sirena

Album: mknm Durasi: 4:39
[00:06.17]Ako'y isang sirena
[00:11.03]Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
[00:16.60]Ako'y isang sirena
[00:20.87]Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
[00:25.95]Drum na may tubig ang sinisisid
[00:30.52]Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
[00:35.50]Drum na may tubig ang sinisisid
[00:40.25]Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
[00:45.01]Simula pa nang bata pa ako
[00:47.37]Halata mo na kapag naglalaro
[00:49.91]Kaya parang lahat ay nalilito
[00:52.06]Magaling sa Chinese garter at piko
[00:54.78]Mga labi ko'y pulang-pula
[00:57.39]Sa bubble gum na sinapa
[00:59.87]Palakad-lakad sa harapan ng salamin
[01:01.90]Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?"
[01:04.33]Habang kumekembot ang bewang
[01:06.02]Mga hikaw na gumegewang
[01:07.71]Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
[01:10.18]Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
[01:12.20]Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa
[01:14.75]Sa t'wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan
[01:17.15]Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan
[01:19.55]Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
[01:21.95]Ang puso kong mapagmahal, parang pilikmatang kulot
[01:24.68]Ako'y isang sirena
[01:28.62]Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
[01:34.22]Ako'y isang sirena
[01:38.23]Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
[01:43.38]Drum na may tubig ang sinisisid
[01:48.13]Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
[01:53.20]Drum na may tubig ang sinisisid
[01:57.82]Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
[02:02.63]Hanggang sa naging binata na ako
[02:04.98]Teka muna, mali, dalaga na pala 'to
[02:07.17]Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin?
[02:10.16]Ano ba'ng mga problema niyo?
[02:12.29]Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
[02:14.73]Sa dapat makita ng inyong mata?
[02:17.37]Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala
[02:20.26]Kahit 'di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa
[02:22.55]Kahit kinalyo na sa tapang, kasi gano'n na lamang
[02:25.13]Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
[02:27.65]"Tama na naman, Itay, 'di na po ako pasaway
[02:29.84]'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay"
[02:32.40]Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
[02:34.96]Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
[02:36.97]Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
[02:39.61]Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat
[02:42.18]Ako'y isang sirena
[02:46.15]Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
[02:51.71]Ako'y isang sirena
[02:55.73]Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
[03:01.01]Drum na may tubig ang sinisisid
[03:05.57]Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
[03:10.69]Drum na may tubig ang sinisisid
[03:15.29]Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
[03:20.79]Lumipas ang mga taon
[03:22.12]Nangagsipag-asawa aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
[03:25.53]Nagpakalayo-layo, ni hindi makabisita
[03:28.28]"Kakain na po, Itay, nakahanda na'ng lamesita"
[03:30.55]Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang
[03:32.84]Ngayo'y buto't balat ang dating matipunong katawan
[03:35.20]Kaya sa 'yong kaarawan, susubukan kong palitan
[03:37.69]Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan
[03:40.02]Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer
[03:42.78]Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
[03:45.15]Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit
[03:47.52]Ako sa 'yong tabi, ika'y tumangan, kumapit
[03:49.91]Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
[03:52.32]"Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
[03:54.59]'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
[03:56.97]Dahil kung minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang bakla"
[03:59.35]Drum na may tubig ang sinisisid
[04:03.74]Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
[04:08.81]Drum na may tubig ang sinisisid
[04:13.45]Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
[04:19.10]Ako'y isang sirena
[04:23.39]Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
[04:31.27]🎵