🎵

Soldier

Biyaheng ibabaw

Gaano man kalalim

Biyayang liwanag

Hanggang saan man ang dilim

Na lalakbayin

Tulang sinasadula

Ganda ng lihim

Kasaysayang inukit

Kalsadang nilikhang

Kasama ka

Sa tamang oras...

Saludo sa iyo kapatid!

Sa digmaan

Kasama pa rin kitang sasabak

Sa giyera sa laban!

Problemang masaya

Mga pinatay na oras

Mga sanang ubos na

Naririnig nadadama

Sa iyong iniwang musika

Kampay para sa iyo

Apoy sa entablado

Sundalo sa puso

Sa paglipad ng malaya

Etong pabaon ko

Sa tamang oras...

Saludo sa iyo kapatid!

Sa digmaan

Kasama pa rin kitang sasabak

Sa giyera sa laban!

Saludo sa iyo!

Sundalo sa puso!

Ipagtabi mo na kami ng ulap

(Kung nasaan ka man...)