🎵

Sumaya

Album: Sumaya Durasi: 3:13

Binalik ko na 'yung paborito mong yakapin

Mga unan na mahirap nang hanapin

Sabi sa'kin ng mga kaibigan kong matalik

'Wag na 'wag na daw kitang hahabulin

Napangiti ako nung tumingin sa salamin

Dahil kaya ko pala pakawalan ka

Mas malawak na 'yung kama

Kaya handa na ba lahat ng mga gamit mo

'Wag mong kalimutan 'yung mga bigay ko

Kahit 'di na natin balak pang ayusin

Dapat kitang ihatid

Kung sa'n ka masaya

Do'n ka na makakalaya ka na

Maipagmamalaki kita

Buo ka na para sa kaniya

Para bang hinanda kita

Para lang mapunta ka sa iba

Kaya kapag naihatid ka

'Di na kita susunduin

Makakalaya ka na pinapalaya ka na

Sana sumaya sa piling niya

Pinapalaya na kita

Tutal kulang na lang ng pansin ka pag-uuwi

Sinusungitan kapag gusto ko lambingan

Iniiwasan mga labi ayaw dumampi

Pero laging sumusunod lang pikit-mata

'Lam mo 'di ko kaya na magalit

Sa'yo umiikot aking mundo

Pa'no mo 'to nagawa

'Di mo na 'ko masisisi 'di na rin makukumbinsi

'Di na kita kaya pang lingunin

'Di mo na rin kailangan pang aminin

Kaya halika na ihahatid na lang kita

Kung sa'n ka masaya

Do'n ka na makakalaya ka na

Maipagmamalaki kita

Buo ka na para sa kaniya

Para bang hinanda kita

Para lang mapunta ka sa iba

Kaya kapag naihatid ka

'Di na kita susunduin

Kung sa'n ka masaya

Do'n ka na makakalaya ka na

Para bang hinanda kita

Para lang mapunta ka sa iba