🎵

Sumigaw

Album: Bagong Liwanag Durasi: 2:58

'Wag ka na munang mag-isip ng kung ano mang problema

Tanggap mo nang mundo'y mapaglaro

Minsan lang natatabunan ng saya

Balewala kung enjoy-in mong mag-isa

Sumigaw, tumingin kung saan ka nanggaling

Harapin ang hamon ng mundong ito (handa ka na ba?)

Asahan mo na hanggang sa huli

Nandito lang kami

'Wag mong isipin na hindi ka naintindihan

Sasabayan ka namin kahit ano pa 'yan

Minsan lang natatabunan ng saya

Sama-sama tayo, halina't kumanta

Sumigaw, tumingin kung saan ka nanggaling

Harapin ang hamon ng mundong ito (handa ka na ba?)

Asahan mo na hanggang sa huli

Nandito lang kami

Minsan, tayo ay nadadapa

Kontra sa ihip ng tadhana (ayos lang 'yan)

'Wag ka munang mag-alala (ayos lang 'yan)

Magkamali man, sagot kita (ayos lang 'yan)

Bukas ang pintuan ng barkada, dito ka na lang muna

Sumigaw, tumingin kung saan ka nanggaling

Harapin ang hamon ng buong mundo (handa ka na ba?)

Asahan mo na hanggang sa huli

Nandito lang kami (ooh-ooh-ooh, ooh, ooh)

Nandito lang kami (ooh-ooh-ooh, ooh, ooh)