🎵

Tabo

Album: OPM Grin Department - Grin Department Durasi: 3:07

Ako'y may kasaysayan sa inyo'y isasalaysay

Ito'y tungkol sa gamit sa loob ng pamamahay

Ito'y ang tabo sa tingin ay hamak lang

Ngunit sa ang katapat ng dalaga sa batalan

Kaya itong tabo pagkaingatan at itago

Pagkat ito'y ginagamit ng dalaga sa paliligo

Sa umaga pagkagising ang dalagang masintahin

Tabo ang hahagilapin upang ipanghuhugas ng kanyang sinaing

Dalagang ubod ng selan dapat ninyong pasensyahan

Pagkat sya ay malinis sa kanyang buong katawan

Akalain mo ba naman na sa paliligo sa batalan

Kinukoskos ng maigi maseselang mga kamay

Dalagang masintahin malulubog sa putikan

Makikinis nyang tuhod ay madudumihan

Pagdating sa bayan makikita nyo brother

Ito'y huhugasan mula sa tuhod hanggang paanan

Pag-kagaling doon sa bayan pupunta sa kabukiran

Upang malasap nya ang tamis ng kalikasan

Sya ay nasarapan sa kanyang mga naranasan

Sa mga naglalakihan at nagtitigasang mga kawayan

Pagkagaling sa pasyalan uwi na ng tahanan

Sya ay pagod na naggigitata at pawisan

Tabo ang hahagilapin upang mahugasan

Ang kanyang mga naglalawa

At nagbubukadkarang mga halaman