Tadhana - Up Dharma Down

Sa hindi inaaasahan 
Pagtagpo ng mga mundo 
May minsan lang na nagdugtong , 
Damang dama na ang ugong nito .

Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo 
Ibinubunyag ka ng iyong matang 
Sumisigaw  ng pag-sinta .

Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo .

Saan nga ba patungo , 
Nakayapak at nahihiwagaan na 
Ang bagyo ng tadhana ay 
Dinadala ako sa init ng bisig mo 

Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
'Wag mo ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa'yo 

Whoo... oohh... ho... ooohh... 
Whoo... oohh... ho... ooohh... 
Whoo... oohh... ho... ooohh... 
Whoo... ohhh ... 

Lalalala ...
Artist: Up Dharma Down
Title: Tadhana