← Kembali
🎵

Tanging Hiling

Album: The Singles Durasi: 6:37

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandiyan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako'y tatanungin, sasambitin, "Ikaw lang ang aking hiling"

Alam ko naman na alam mo na malayo tayo sa isa't isa

Pero kahit na gano'n, alam mo naman na minamahal kita

Kahit na malayo ang ating agwat o kahit na mayro'n tayong pagitan

At least, tunay na pag-ibig naman na sa 'tin dalawa ay namamagitan

Kahit mayro'ng kahirapan at hindi nga kita nakakasama

Ikaw lamang ang tanging babae na sa akin ay nagpapaligaya

Dati-rati'y walang sigla, pero ngayon, ako ay biglang nag-iba

Buhay ko'y nagkadireksiyon, tumuwid, nawala ako sa landas na masama

Maraming salamat sa 'yo sa mga hinatid mo na kasiyahan

Sa 'king buhay na nilagyan mo nga ng ngiti at ng kaligayahan

Na ikaw lamang ang siyang nasa 'kin bukod-tanging nakapagbigay

Sa pag-iibigan nating tunay, para sa 'kin ay wala nang makakapantay

Sana naman ay matupad ang aking hinihiling

Na makasama ka na balang-araw ay lagi kong pinapanalangin

Dinadalangin ko na sana ay marinig ng Maykapal

Ang aking dasal upang sa wakas ay makasama ko na ang aking mahal (ikaw lang ang aking mahal)

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo (oh, whoa)

Kapag nandiyan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako'y tatanungin, sasambitin, "Ikaw lang ang aking hiling"

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandiyan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako'y tatanungin, sasambitin, "Ikaw lang ang aking hiling"

Sa tuwing ako ay gigising sa umaga, ang hinahanap ko kaagad ay ikaw

Pangalan mo'y aking sinisigaw, sana'y malinaw mong matanaw

Na buong puso kong binibigay ang pagmamahal ko na sa 'yo ko lamang naramdaman

Susugurin kahit na malakas ang ulan para nang kahit papa'no, makasama ka naman (yeah)

Hay, naku, sana ay pagbigyan mo naman ang gaya ko ng kahit konting pagtingin

Hindi pera o bayong ang kailangan ko, 'pagkat ikaw lang ang tangi kong hinihiling sa Maykapal

At sana bigyan ako ng kapal ng mukha para naman na masabi ko na sa iyo (ikaw lang ang tangi kong hinihiling)

Ang lahat ng mga bagay na nangyari at naiba simula nang dumating ka sa buhay ko

Dati-rati kasi, ako'y parang gulay na hindi mabenta at nalalanta (yeah)

'Pag nakikita ka, 'di na makapagsalita at biglaang natataranta (yeah, yeah, yeah)

Uh, sana 'di ako masalanta 'pagkat napakalakas ng dating mo parang bagyo (yeah)

Ako'y natangay ng kislap ng 'yong matang parang mga talang bumagsak sa mundo

Kaya sa PC ko, naka-save na lahat ng iyong larawan na nagsisilbing kasiyahan (ooh, whoa)

At bumubuo ng araw ko para ako'y makatulog nang mahimbing (oh, ooh)

Tanging hiling ko, sana ako'y bigyan ng kahit konting pagkakataon

Gusto kong malaman mong mamahalin kita, malayo man ang ating destinasyon

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandiyan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako'y tatanungin, sasambitin, "Ikaw lang ang aking hiling"

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandiyan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako'y tatanungin, sasambitin, "Ikaw lang ang aking hiling"

Alam ko na malayo na magustuhan mo ang tulad ko

Pero sa oras na kailangan mo, nandito lang ako para lamang sa iyo

Sana'y malaman mo na ikaw lamang ang nag-iisa

Ikaw ang tanging pinapangarap ko, minamahal kita