← Kembali
🎵

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Album: Byahe Collection Durasi: 5:06

Pagmasdan ang ulan

Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim

Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang yong ganda

Kasabay ng hanging kumakanta

Maari bang huwag ka nang sa piling ko’y lumisan pa

Hangga't ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo di mapipigil

Ang puso kong nagliliyab

Pag-ibig ko’y umaapaw

Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka heyeah

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila

Ikaw rin magpapaalam na

Maari bang minsan pa

Mahagkan ka’t maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka’t huwag ng tumigil pa

Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag-ibig ko’y umaapaw

Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

La la la la

Maari bang minsan pa

Mahagkan ka’t maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo di mapipigil

Ang puso kong nagliliyab

Pag-ibig ko’y umaapaw

Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka’t huwag ng tumigil pa

Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag-ibig ko’y umaapaw

Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan tuwing umuulan

Tuwing umuulan at kapiling ka hey