Ulan - Rivermaya

Hiwaga ng panahon,( hiwaga ng panahon )
Akbay ng ambon
Sa piyesta ng dahon,
Ako'y sumilong
Daan-daang larawan ang nagdaraan

Sa aking paningin
Daan-daang nakaraan ibinabalik
Ng simoy ng hangin
Tatawa na lamang, at ba't hihikbi
Ang aking damdamin, pinaglalruan ng baliw at ng ulan.

At sinong di mapapasayaw ng ulan,
At sinong di mababaliw sa ulan
Hinulog ng langit,
Na siyang nag-ampon
Libu-libong ala-alang,
Dala ng ambon

Daan-daang larawan ang nagdaraan
Sa aking paningin
Daan-daang nakaraan ibinabalik
Ng simoy ng hangin
Tatawa na lamang, o bakit hindi

Ang aking damdamin, pinaglalruan ng baliw at ng ulan.
At sinong di mapapasayaw sa ulan,
At sinong di mababaliw sa ulan
Tatawa na lamang, at bakit hindi
Ang aking damdamin, pniaglalruan ng baliw at ng ulan.

At sinong di mapapasayaw ng ulan,
At sinong di mababaliw sa ulan
At sinong di aawit kapag umulan,
At sinong di mababaliw sa ulan
At sinong di mapapasayaw sa ulan,
At sinong di mababaliw sa ulan
Ulan, ulan, ulan
Artist: Rivermaya
Title: Ulan