🎵

Una Lagi

Album: 247 Durasi: 3:15

'Di man kita mauna palagi

'Di man kita mauna palagi

Kulang ang ipagsigawan na mahal kita (oh)

Sa daming nakuha mula nu'ng nakuha kita

'Di na mabilang-bilang kapalit

'Di rin mabibilang ang handa ko na gawin

Para paramihin ang gusto ko makamit

Ngayon na ikaw ang katabi

Para makita nila na nag-iba ang kapalaran no'ng nandiyan ka na

'Di makaila na 'kaw ang kailangan, kaya sa iba, 'di bali na

Kahit kailan, 'di pa umalis, na hindi nakadama na masabik

Kadalasan, 'di pa naalis, iniisip na agad makabalik

Sa isip ko, 'di ka maalis, kahit kung saan-saan makarating

Tsaka 'di na para humiling, kasi matagal ka na na dumating

Sasamahan na kita hanggang huli

'Di man kita mauna palagi

Ang mahalaga, ang ginagawa ko'y para sa 'tin

Kasi kahit para sa 'kin ay para sa 'yo pa 'rin

Gusto ko manalo para masabi ko na dahil sa 'yo

Walang ibang dahilan at wala 'kong ibang rason (wala)

'Wag ka na magtaka pa, ano ka ba? Ikaw na 'yon (ikaw na 'yon)

Handang makasama ko sa habang panahon (oh)

Kung ba't inaayos ko 'yong bukas sa ngayon

'Yoko maipon problema, inuunti-unti ko nang harapin

Balang araw, mga tema sa iba-ibang lugar tayo dalhin

Parang hardin, do'n tayo magtatanim

Ng mga supling, papangalanan kung sa'n gagawin

Malalaking plano na sana maging totoo na agad sa lalong madaling panahon

Kaya ito ngayon, kada may gagawin ay sagad ko samantalahin

Talagang napakasarap pangarapin, lahat 'yan ay para sa 'tin

Kaya kung 'di ka kasama ay baliwala rin, kaya unawain mo

'Di man kita mauna palagi

Ang mahalaga, ang ginagawa ko'y para sa 'tin

Kasi kahit para sa 'kin ay para sa 'yo pa 'rin

Gusto ko manalo para masabi ko na dahil sa 'yo

'Di man kita mauna palagi

Ang mahalaga, ang ginagawa ko'y para sa 'tin

Kasi kahit para sa 'kin ay para sa 'yo pa 'rin

Gusto ko manalo para masabi ko na dahil sa 'yo