🎵

Yoko Na

Album: Yoko Na Durasi: 3:33

Ooh yeah

Papalayo sa 'yo paalam na

Nalilito ako wala na ba

Papalayo sa 'yo bahala na

Sinubukan ko naman na magtiis

Paulit-ulit lang

Yeah an'dami nang masasakit na salitang nanggaling sa bibig

Ang daming sinasabi pero parang walang gusto makinig

Lagi na lang hassle pag-uwi araw-araw away at bati

'Di ko na malaman kung ano ba talaga

Sa katahimikan na naman nakakulong

'Di ba dapat gagawan ng solusyon

Hinayaan lumamig ang relasyon

Sana puwede ibalik kung ano mayro'n tayo no'n

Napuno na napapadalas ang mainis

'Di ba puwede na parehas tayong dalawa mali

Ito na ba ang tamang panahon na umalis

Kung puwede lang walang masasaktan

Kung 'di maamin sa akin damdamin mo

Ako na lang magsasabing tapusin 'to

Manghihinayang na lang ba sa kuwentong 'to

'Di ko maintindihan

Papalayo sa 'yo paalam na

Nalilito ako wala na ba

Papalayo sa 'yo bahala na

Sinubukan ko naman na magtiis

Paulit-ulit lang (yeah)

'Wag ka nang umasang babalik

Baka matuluyang masiraan ng bait

Dibdib kong puno ng galit at sama ng loob

Hindi ko na kayang kumapit at 'yun ang malungkot

'Di ko na ma-gets 'yung trip mo (trip mo)

Kala mo 'di mabibisto kaso lang alisto

Siguradong mami-miss mo

Pero ang problema tayong dalawa rin mismo

Ilang ulit mo na din akong nasaktan

'Di ko rin alam kung bakit nagkaganiyan

'Di ko na alam kung sa'n pa 'to papunta

Kung 'di maamin sa akin damdamin mo

Ako na lang magsasabing tapusin 'to

Manghihinayang na lang ba sa kuwentong 'to

'Di ko maintindihan

Papalayo sa 'yo paalam na

Nalilito ako wala na ba

Papalayo sa 'yo bahala na

Sinubukan ko naman na magtiis

Paulit-ulit lang

Paulit-ulit

Papalayo na sa 'yo

Paulit-ulit lang

Papalayo na sa 'yo oh (paulit-ulit lang paulit)

'Di ko maintindihan ('di ko maintindihan)

'Di ko maintindihan